News and Events

Ako si Ninoy

Ang Istorya


Ang dula ay isang pinagdikit-dikit na kwentong labing isang (11) tao sa makabagong panahon – sina Noli, Ivy, Miss Nuñez, Oscar, Yosef, Andeng, Quentin, Dr. Ungria, Ingrid, Nanding at Osborne na iuugnay sa mismong kaganapan sa buhay ng Bayani n gating modernong henerasyon – si Ninoy Aquino. Nais ipakita ng dula na ang simpleng mamamayan ay may alab din ng pagkabayani na hindi lamang si Nino yang bayani kundi ang laksalaksang Pilipino na isinasabuhay ang kanyang halimbawa – sa pakikipaglaban sa katotohanan, ang kanyang mainit na pananampalataya sa Poong Maykapal at ang labis na pagmamahal sa bayan. Ang Dula – Isang makabago at kakaibang pagsasaentablado na sinaliwan ng musikang orihinal na may pag-awit at sayaw. Magaganap ang mga tagpo sa magkakaibang panahon – ang panahon ni Ninoy at ang modernong panahon ng labing isang (11) tauhan – ngunit pag-uugnayin sa iisang eksena. Samakatuwid, ang bawat tagpong magaganap ay paghahambing hindi lamang sa istorya kundi pati na rin sa kasuotang pangentamblado, set at props, kulay ng ilaw at tunog at hiigt sa lahat sa kahalagahang pampanitikan ng dula. Ang Buod ng Bawat Tagpo




Unang Yugto

Unang Tagpo


Magsisimula ang dula sa libing ni Ninoy. Sasariwain sa pamamagitan ng awit ang malungkot na araw na yaon, Agosto 21, 1983. Kasabay ng malungkoy na pag-martsa ay ang pagtatanong kung sino ba ang bayaning si Ninoy. Itatanong ng madla kung sila ba ay maaring maging Ninoy. Ang pagkabayani ay hindi lamang maididikit sa pangalan ng taong ililibing sa araw na yaon. Tatanggapin ng madla ng lahat ay maaring maging bayani. Tatakbo ang panahon at tutungo sa kasalukuyan. Magsisimulang ipakilalal ang mga tauhan sa simula’y walang koneksyon sa buhay ni Ninoy. Itatanong ni Ninoy kung sila ba ay mananatiling monumento na lamang o mukhang nasa limang daang piso. Magsisimulang patunayan ni Ninoy na may koneksyon ang mga tauhan ng pangkasalukuyang panahon sa kanyang buhay.

Pangalawang Tagpo


Ipapakilala ni ninoy si Noli at ang asawa nitong si Ivy. Hirap sa buhay ang mga mag-asawa kaya’t napilitan si Nolin a mangibang bansa para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak, si Osborne. Ihahambing naman ni Nino yang pagalis ni Noli sa bansa sa kanyang hangaring bumalik sa Pilipinas noong siya ay nasa Boston.

Pangatlong Tagpo


Ipapakilala ni Ninoy si Miss Nuñez, isang guro sa pampribadong paaralan para sa mga babae. Natuklasan ng guro ang panghahalay ng kapwa guro sa kanyang estudyanteng si Ingrid. Sinumbong niya sa dekanang si Mrs. Esmeralda Argos ang naganap, ngunit hindi siya pinaniwalaan nito. Ipapakilala din ni Ninoy si Oscar, isang binatang reporter ng News and Public Affairs Department ng isang giant network. Ang expose ni Oscar ukol sa jueteng lord na pulitiko ay hindi papaniwalaan ng station manager niya na si Fernando Carlo. Uutusan si Oscar ng Manager na i-pull out ang kanyang expose kapalit ang malaking halaga. Hindi ito tatanggapin ni Oscar at ipagpapatuloy ang paglalantad ng katotohanan. Ang dalawang tauhan ay ihahalintulad ni Ninoy sa kanyang buhay-estudyante at as kanyang apprenticeship sa Manila Times. Ilalahad din ni Ninoy sa pamamagitan ng isang awit ang kanyang naranasan bilang batang-batang reporter sa Korea habang sinusubaybayan ang mga Pilipinong Sundalo kasama sa United Nations Allied Forces.

Pang-apat na Tagpo


Bumalik si Ninoy sa Pilipinas buhat sa Korea na parang bayani. Pinarangalan siya ni Pangulong Elpidio Quirino ng medalya. Sa kabila ng kanyang kasikatan ay tila may nais pa siyang marating. Ang hina-hanap hanap ni Ninoy ay ihahalintulad sa buhay ng isang sikat na artista sa kaslukuyang panahon, si Yosef. Sa kanyang shooting, makikilala ni Yosef si Ingrid, ang estudyante ni Miss Muñez. Mabubuo ang magandang pagtitinginan ng dalawa sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng manager ni Yosef, si Miss Candy.


Ikalawang Yugto

Pang-limang Tagpo


Babalik sa dekada singkwenta, makiita ang panliligaw ni Ninoy kay Cory na ihahambing sa relasyon ng mag-asawang si Noli at si Ivy, na noo’y nagtratrabaho na sa Saudi. Sa kabila ng pagkakalayo nina Noli at Ivy ay makikita pa rin ang matinding pag-ibig para sa isa’t isa. Matutunghayan din ang kakaibang talino ng anak nina Noli at Ivy, si Osborne. Mapapatunayan din ni Yosef ang kanyang pagmamahal kay Ingrid. Magtatapos ang tagpo sa kasal nina Ninoy at Cory.

Pang-anim na Tagpo


Naging mabilis ang panahon para kay Ninoy. Sa edad na dalawangpu’t tatlo ay nagging alkalde, dalawangpu’t pito ay nagging Gobernador at sa edad na tatlumpu’t lima, si Ninoy ay nagging pinakabatabg senador na nagwagi laban sa malakas na makinarya ng partido ng Pangulong Marcos. Hinalintulad ang kanyang katapangan sa pakikibaka nina Quentin, isang aktibista at ni Andeng, isang babaeng labor leader. Sumabog ang bomba sa Plaza Miranda sa panahon ni Ninoy. Bumaba ang Martial Lat at hinuli si Ninoy. Nagkagulo naman sa rally na dinaluhan ni Quentin, at siya ay nahuli ng mga pulis. Bumaba ang desisyon ny Military Commission at pinatawan ng parusang kamatayan si Ninoy. Hindi lamang natuloy ang pagbitay sa kanya sapagkat umalma ang international Community.

Pang-pitong Tagpo


Makikitang naktulong si Ninoy. Naging marahas naman ang mga pulis kay Cory sa kanyang pagdalaw kay Ninoy. Sa sdobrang kalungkutan at pangungulila sa pamilya, kinuwestiyon ni Nino yang Panginoon. Sa kanyang pag-iisa sa kulungan ay inawit ni Nino yang isa sa kanyang paboritong awitin.

Pang-walong Tagpo


Sa Boston, USA, pinyagang magpa-opera sa puso si Ninoy pagkatapos ng isang matinding atake sa puso oong marso, 1980. Ang kanyang buhay sa Amerika ay hinalintulad sa buhay ng isang War Veteran ng nag-migrate na sa Amerika, si Nanding. Nais na ni Nanding na bumalik sa Pilipinas upang makapiling ang kanyang dalawang anak.


Ikatlong Yugto

Pang-siyam na Tagpo


Ninais na ni Ninoy ang bumalik sa Pilipinas sa kabila ng banta sa kanyang buhay. Babalik na rin naman si Noli sa pilipinas para makapiling si Ivy at ang kangyang anak na si Osborne. Pinalitan naman ni Miss Nuñez ang dekanang si Mrs. Argos. Pinarangalan naman si Ingrid bilang Valedictorian at Magna Cum Laude sa kanyang pagtatapos. Inalay ni Ingrid ang kanyang medalya kay Miss Nuñez. Kinidnap naman si Oscar ng mga tauhan ng pulitikong jueteng lord. Naipagtanggol ni Oscar ang kanyang sarili. Natanggap naman ni Andeng ang pinakahihintay na balita, ang maibalik sa trabaho ang mga kasamahang na-retrench. Nagbunga din ang paghihirap ni Andeng sa strike. Tinorture naman sa Quentin ng pulis na humili sa kanya at nagtapos sa kanyang pagkamatay. Sa pagwawagi ni Yosef bilang pinakamahusay na actor sa Famas ay nagpaalam na siya sa showbusiness para makabalik sa pag-aaral. Hinumok ni Yosef ang kabataan na magkaroon ng mas matinding pagmamahal sa bayan. Sa pagbaba ni Ninoy sa eroplano ay binaril siya sa ulo ng pulis na sumusunod sa kanya.

Pang-sampung Tagpo


Masasagot na ng madla kung sino si ninoy at aawitin nila na sa kabilang ng pagtatanong at paghahanap kung sino ang tunay na bayani, ay maaari ring sila ang bayani. Sasabihin nila ang maaaring Ninoy at mayroong Ninoy sa ating lahat.

Date Posted: 02-23-2011